Suspek

‘Pekeng’ yosi boy nabuking na nagbebenta ng shabu, huli

Edd Reyes Nov 21, 2026
111 Views

ShabuARESTADO ang 28-anyos na cigarette vendor sa pagbebenta ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer noong Sabado sa Makati City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati Police ang buy-bust nang makumpleto ang impormasyon na “front” lang ni alyas Jay ng Brgy. Guadalupe Nuevo ang pagbebenta ng sigarilyo sa pagtutulak ng iligal na droga

Alas-2:05 ng madaling araw nang tanggapin ng suspek ang P100,000 marked money na kinabibilangan ng P500, 49 na P500 at 75 P1,000 na boodle money kapalit ng mahigit 14 na gramo ng shabu na ibinenta sa Nuestra Señora St., Brgy. Guadalupe Nuevo.

Nang matapos ang transaksiyon, dinamba ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor ang suspek kaya nakumpiska sa kanya ang 53 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P360,400.

“This operation demonstrates how effective intelligence and decisive police action can lead to the arrest of drug personalities,” pahayag ni BGen. Pastor.