Naga Larawan: Mayor Leni Robredo/FB

Naga City, aprubado nang maging highly urbanized city

89 Views

Opisyal nang magiging Highly Urbanized City (HUC) ang Naga City matapos aprubahan ng mayorya ng mga botante ang pagbabago ng katayuan nito sa plebisito noong Sabado, Nobyembre 21.

Batay sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), nakakuha ng 82.12 porsiyento ng boto ang panig na pabor sa pagiging HUC ng lungsod.

Sa pahayag ni Mayor Leni Robredo, tinawag niyang makasaysayang tagumpay ang resulta at pinasalamatan ang mga Nagueño sa pagsuporta sa pagbabago. Aniya, hakbang ito tungo sa mas malawak na awtonomiya at dagdag na mga mapagkukunan para sa pag-unlad ng lungsod.

Matapos ang 78 taon bilang Independent Component City (ICC), magiging ika-34 na Highly Urbanized City sa bansa ang Naga at kauna-unahan sa Bicol Region na magkakaroon ng ganitong katayuan.