Calaca

Calaca may bagong hepe ng parak

93 Views

Calaca1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Pinangunahan noong Sabado ni PLt. Col. Dwight Fonte, deputy provincial director for administration, ang seremonya para sa pag-upo ng bagong hepe ng pulisya ng Calaca Component City Police.

Nanungkulan na si PLt. Col. Recaredo Sarmiento Marasigan bilang officer-in-charge ng Calaca.

Nagpasalamat si Marasigan at muling pinagtibay ang pangakong gagawin ang lahat ng kinakailangang pagsisikap upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Ang pag-upo sa tungkulin ay nagpapakita ng dedikasyon ng PNP sa maayos na transisyon ng pamumuno na tinitiyak ang katatagan ng mga operasyon at ang paghahatid ng de-kalidad at epektibong serbisyong pulisya sa komunidad.