LTO

San Luis bagong LTO chief

Jun I Legaspi Nov 24, 2026
94 Views

PORMAL ng uupo bilang bagong Assistant Secretary at Chief ng Land Transportation Office (LTO) si Atty Noreen Bernadette San Luis, ayon sa palasyo.

Papalitan ni San Luis si dating Assistant Sec. at LTO Chief Markus Lacanilao na itinalaga naman bilang bagong Administrator ng Maritime Industry Authority ( MARINA ).

Ang paglipat ni Lacanilao sa MARINA ay itinuturing na promosyon dahil mula sa ranggong assistant secretary ay itinaas siya sa antas ng undersecretary sa ilalim ng DOTr.

Si Sa Luis at dating City administrator ng Naga City sa Bicol Region bago itinalagang hepe ng LTO.

Nagbunyi namam ang transport groups sa pagkakatalaga kay San Luis bilang bagong LTO Chief.

Inilarawan ng transport groups si San Luis bilang isang mapagmahal na leader sa industriya ng transportasyon.

Hindi na umano bago sa agency si San Luis dahil matagal itong nagsilbing Regional Director ng LTO- Souther Tagalog at kabisado nito ang takbo ng ahensiya.

Umaasa ang transport groups na higit pang mapapabuti ni San Luis ang ahensiya.