Power interruption SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/1FqcQCmbCf/?mibextid=wwXIfr

Marawi, Lanao del Sur, Lanao del Norte, makakaranas ng power interruption sa Nov. 30

53 Views

Inilipat sa Nobyembre 30, 2026 ang nakatakdang power interruption na makaaapekto sa Marawi City at ilang bahagi ng Lanao del Sur at Lanao del Norte, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi ang bagong iskedyul ng shutdown ng 138-kilovolt Agus 1-Agus 2 transmission line na pag-aari ng National Power Corporation (NPC)-Mindanao Generation (MinGen).

Ayon sa NGCP, ipinagpaliban ang power interruption upang pagbigyan ang kahilingan ng Lanao del Sur Electric Cooperative (LASURECO) at Mindanao State University (MSU), na magsasagawa ng System Admission and Scholarship Examination (MSU-SASE).

Saklaw ng nakatakdang shutdown ang buong franchise area ng LASURECO at ang MSU. Gayunman, ang mga partikular na lugar na mawawalan ng kuryente ay tutukuyin ng electric cooperative.

Sinabi ng NGCP na gagawin nito ang lahat ng paraan upang maibalik ang suplay ng kuryente nang mas maaga o alinsunod sa itinakdang oras.

Larawan: NGCP/FB