Calendar
SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/1DAxK7NfQv/?mibextid=wwXIfr
Yellow alert, idineklara sa Visayas Grid
Idineklara ang Yellow Alert sa Visayas Grid ngayong Biyernes, Nobyembre 27, 2026, mula alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng gabi, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Batay sa abiso ng NGCP, nasa 2,500 megawatts (MW) ang available capacity ng grid, habang umaabot sa 2,428 MW ang peak demand.
Umabot sa 599.2 MW ang kabuuang kapasidad na hindi magagamit sa grid dahil sa mga planta na nakaranas ng forced outage at mga tumatakbo sa derated capacity. Kabilang dito ang 10 planta na nagkaroon ng forced outage ngayong Nobyembre, habang 20 iba pa ang tumatakbo sa mas mababang kapasidad.
Kabilang sa mga dahilan ng pagdedeklara ng Yellow Alert ang hindi operasyon ng TVI 2 dahil sa unplanned outage, nabawasang kapasidad ng TVI 1, at nakaiskedyul na maintenance outage ng PCPC at KSPC Unit 2. Nakaapekto rin ang limitadong power import mula sa Mindanao Grid.
Ipinaliwanag ng NGCP na nagkakaroon ng Yellow Alert kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang kinakailangang reserba ng transmission grid sakaling magkaroon ng aberya.
Larawan: NGCP/FB
