20-anyos na wanted sa apat na kasong rape, arestado sa Cavite

51 Views

Arestado ang isang 20-anyos na lalaki na kabilang sa Regional Most Wanted Person list matapos ang operasyon ng Police Regional Office 4A sa Carmona City, Cavite, dakong 11:15 ng umaga noong Nobyembre 26.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Carlo,” na dinakip ng mga tauhan ng Carmona Component City Police Station at Women and Children Protection Desk sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 109.

Nahaharap si Carlo sa dalawang bilang ng rape by sexual assault at dalawang bilang ng statutory rape. Nagtakda ang korte ng ₱400,000 na piyansa para sa dalawang kaso ng rape by sexual assault, habang walang inirekomendang piyansa para sa dalawang kaso ng statutory rape.

Ayon kay PRO 4A Regional Director PBGen Dominic L. Baccay, patuloy ang kanilang manhunt operations laban sa mga wanted person, partikular sa mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan at mga bata. Nasa kustodiya na ng Carmona City Police Station ang suspek habang inaasikaso ang kaukulang proseso.