Chicago

Seminar vs labor trafficking isasagawa sa PCG-Chicago

43 Views

Chicago1Live1ANG Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Chicago at Department of Family and Support Services (DFSS) ay magkakaroon ng libreng online seminar upang labanan ang labor trafficking sa Chicago, Illinois sa Disyembre 11 mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:15 ng gabi sa pamamagitan ng Zoom.

Layunin ng talakayan na bigyang-kaalaman ang publiko kung paano matutukoy ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa trabaho.

Kabilang dito ang hindi pagbabayad ng tamang sahod, pagpigil sa mga dokumento o pasaporte, banta ng deportasyon at sobrang paghihigpit sa galaw ng manggagawa.

Partikular na bibigyang-pansin sa seminar ang kalagayan ng mga nasa sektor ng agrikultura, konstruksyon, hospitality, caregiving at mga kasambahay na madalas ay nakahiwalay at mas vulnerable sa pang-aabuso.

Ibabahagi rin sa pagtitipon ang mga ahensya at tulong na maaaring lapitan sa Illinois para sa mga biktima at sa mga nais tumulong sa kanila.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng 18 araw na kampanya to end violence against women ng Pilipinas.