Driver

Family driver gumarahe sa selda dahil sa iligal na dr*ga

30 Views

LiveLive1

KAMPO HENERAL MALVAR – Tiklo noong Biyernes ang isang 30-anyos na family driver na kabilang sa listahan ng Most Wanted Person sa Regional Level matapos masakote ng mga awtoridad sa Taal, Batangas dahil umano sa pagbebenta ng iligal na droga.

Kinilala ni Batangas Police director PCol. Oliver Ebora ang suspek sa alyas na Bong, may asawa, at residente ng Brgy. Balisong, Taal, Batangas.

Ayon sa ulat kay Col. Ebora, nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng Taal police at Regional Intelligence Unit (RIU) 4A upang kornerin ang suspek.

Bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 86 ng Taal, Batangas laban kay Bong dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nakakulong na ang suspek sa custodial facility ng Taal police habang inihahanda ang pagbabalik ng warrant sa korte.