Hot News

Sinunog na kelot sa Nagcarlan hinihinalang biktima ng kidnap-for ranson

Gil Aman Nov 29, 2026
11 Views

NagcarlanHINIHINALANG biktima ng kidnapping for ransom ang isang lalaki na nakitang sunog ang bangkay ng Luzon Field Unit-Anti Kidnapping Group (LFU-AKG) sa Barangay Sulsugin, Nagcarlan, Laguna.

Pinamunuan ni PLt. Col. Ronaldo Patricio Chief, ng Luzon Field Unit (AKG) ang pagsagawa ng koordinasyon para sa Laguna Provincial Forensic Unit (LPFU) upang iproseso ang pinangyarihan ng krimen, matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at mga detalye ng pangyayari.

Pinaniniwalaang ang biktima ay kinidnap for ransom, sinunog at iniwan sa lugar ng di pa kilalang mga suspek.