Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
GSIS may cash gift sa mga kuwalipikadong pensyonado
Peoples Taliba Editor
Dec 2, 2022
461
Views
Magbibigay ng hanggang P10,000 cash gift ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mahigit 328,000 kuwalipikadong pensyonado nito simula sa Disyembre 6.
Ayon sa GSIS ang cash gift ay kasing halaga ng pensyon na nakukuha ng senior citizen at persons with disability. Ang pinakamalaki ay P10,000.
Aabot sa P3.35 bilyon ang gugugulin dito ng GSIS.
Sinabi ni GSIS president at general manager Wick Veloso na ang cash gift at papasok sa mga e-card ng mga pensyonado na maaaring ma-withdraw sa ATM.

