2023 Bar exam gagawin sa Setyembre

124 Views

GAGAWIN sa Setyembre ang 2023 Bar examination, ayon sa ipinalabas na anunsyo ng Supreme Court (SC).

Ang bar examination ay gagawin umano sa Setyembre 17, 20, at 24.

Ayon kay Associate Justice Ramon Paul Hernando, ang 2023 Bar chairperson, ang mas maikling examination days ay sasabayan ng pagbawas sa cire examination subject na magiging anim na lamang mula sa walo.

“Commercial Law and Taxation Law have been conjoined to the close affinity between these two fields in legal practice,” sabi ni Hernando. “Where Remedial Law and Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises were fused together as these subjects complement each other in actual practice.”

Tig-apat na oras umano ang ilalaan sa bawat subject mula 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali, at 2 ng hapon hanggang 6 ng gabi.