Daphne Paez

Daphne Paez ang bagong press briefer ng Malacañang

157 Views

ANG lifestyle host at reporter na si Daphne Oseña-Paez ang bagong Malacañang press briefer.

“Siya ang magiging tagapaghatid ng balita at impormasyon tungkol sa mga gawain at proyekto ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,” ani Office of the Press Secretary officer-in-charge at Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil.

Sinabi ni Garafil na isang karangalan ang makasama si Paez na kilala sa kanyang adbokasiya para sa mga babae, kabataan, at kalikasan.

Nagpasalamat naman si Paez sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng administrasyong Marcos.

“I’m very honored to be communicating the message and programs of this administration, of course, in an accurate and effective way and I will do my best,” ani Paez.

Nilinaw naman ni Paez na hindi siya ang magiging tagapagsalita ng Pangulo kundi magtatrabaho upang mas malayo ang marating ng mga mensahe ng Pangulo.

“The President will speak for himself. I’m just here to support the Office of the Press Secretary for now, and I look forward to learning a lot about the programs,” dagdag pa ni Paez.

Si Paez ay naitalaga noong 2019 bilang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) National Goodwill Ambassador.