Manila City Hall half-day sa Disyembre 29

164 Views

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na half-day lang ang pasok sa Disyembre 29.

Ayon kay Lacuna layunin ng Executive Order 59 na bigyan ng mahabang oras ang mga empleyado nito na makapaghanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“The suspension of work in national government offices and private companies holding office in the City of Manila is left to the discretion of their management and/or heads of offices,” sabi sa EO 59.

Noong Disyembre 23 ay nagdeklara rin ng half-day work ang Manila City hall.