Ex-Justice Tinga itinalagang chair ng DBP

193 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Supreme Court Associate Justice Dante Tinga bilang acting chairman ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Si Tinga ay nanumpa sa tungkulin kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malacañang.

Siya ay naging associate justice ng Korte Suprema mula 2003 hanggang 2009.

Si Tinga ay naging dean ng University of the East College of Law.