Nahawa ng COVID-19 nadagdagan ng 5,690

130 Views

NADAGDAGaN ng 5,690 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) naitala ang mga bagong kasong ito mula Disyembre 19 hanggang 25.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 813, mas mababa ng 25 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 12 hanggang 18.

Sa mga bagong kaso, tatlo ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 172 na pumanaw kung saan 24 ay naganap noong Disyembre 12 hanggang Disyembre 25. Ang ibang nasawi ay nangyari noong Agosto 2020 hanggang sa Nobyembre 2022.