Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BOC

Kustodiya ng 1.6 kilo ng shabu na nasamsam ng BOC ibinigay sa PDEA

465 Views

IBINIGAY ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang kustodiya ng nasamsam nitong 1,634 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P11.274 milyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang shabu ay nadiskubre sa package na idineklarang naglalaman ng mga sapatos na dumating sa bansa noong Nobyembre 17 mula sa Kempton Park, South Africa.

Ang mga pakete ng shabu ay ibinalot ng duct tape at itinago sa lining ng limang handbag.