Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Metro
Tauhan ng PCG nagpaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon, kalaboso
Peoples Taliba Editor
Jan 2, 2023
570
Views
Arestado ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpaputok umano ng baril sa pagsalubong ng bagong taon sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Ferdinand Bagundol, 40-anyos, at nakatalaga sa General Services Division, Coast Guard Base Parola ng PCG, at residente ng Brgy. Kaligayahan, Quezon City.
Lasing umano ang suspek ng magpaputok ng baril sa Hobart Subd., Brgy. Kaligayahan, alas-8:37 ng gabi noong Disyembre 31, 2022. Narekober umano sa lugar ang pitong basyo ng bala.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition o Republic Act 10591.

