Ratipikasyon ng RCEP itinulak ng LEDAC

185 Views

ITINULAK ng Legislative-Executive Development Advisory Council’s (LEDAC) ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal.

Sa isinagawang LEDAC meeting, nangako sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Loren Legarda na idedepensa ang ratipikasyon ng RCEP sa Senado.

Binanggit din ni Zubiri na ang RCEP ay isa sa mga pinag-usapan sa mga pagpupulong na dinaluhan ng delegasyon ng Pilipinas sa katatapos na working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.

Ang RCEP ay isang free trade agreement (FTA) sa pagitan ng 10 bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at lima nitong partners: Australia, China, Japan, New Zealand, at Republic of Korea.

Pilipinas na lamang ang tanging bansa sa Southeast Asian na hindi pa niraratipika ang RCEP.