Yedda

Tagum nayanig sa thanksgiving concert ng Tingog

206 Views

MATAPOS ang matagumpay na thanksgiving concert sa Cebu noong Pebrero 12, sumunod na niyanig ng Tingog part-list ang Tagum City, ang ikalawang yugto ng musical extravaganza nito noong Biyernes, Pebrero 17.

Dinagsa ng mga manonood ang “Tingog ng Pasasalamat” concert na isinagawa sa City Hall Square sa Tagum City.

Kabilang sa nag-perform sina Master Rapper Andrew E, “Queen Mother” Karla Estrada, Plethora, at ang ILT (I Love Tacloban) bands.

Mayroon ding special performance ang musician-singer at “Voice of the Philippines” coach “Bamboo,” na humarap bilang guest arti

Inilarga ng Tingog party-list ang serye ng konserto upang pasalamatan ang mga botante sa suportang nakuha nito noong nakataang halalan kung saan nakakuha ito ng dalawang slot sa Kamara de Representantes.

Sina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ang umupong kinatawan ng Tingog sa Kongreso.

Dalawa pang thanksgiving concert ng Tingog party-list ang nakapila.

Sa Pebrero 25, isasagawa ang “Tingog ng Pasasalamat” concert sa Amoranto Sports Complex sa Diliman, Quezon City, para sa National Capital Region-leg.

Ang huling konserto para sa seryeng ito ay isasgawa naman sa RTR Plaza sa Tacloban City sa Marso 4.