Martin

Moroccan Amba nag-courtesy call kay Speaker Romualdez

183 Views

NAG-COURTESY call ang Ambassador ng Kingdom of Morocco sa Pilipinas na si Mohammed Rida El Fassi kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa tanggapan nito sa Kamara de Representantes.

Sa pagpupulong ng dalawa, ipinahayag ni Speaker Romualdez ang pagnanais na lalong mapatibay ang ugnayan ng Pilipinas at Morocco.

Sinabi naman ni Ambassador El Fassi na maaaring mag-suplay ang Morocco sa Pilipinas ng mga automotive products.

Inialok din nito ang pagsusuplay ng fertilizer sa bansa.

Si Romualdez ay sinamahan ni Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Committee on Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy Chairperson Rep. Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte) sa courtesy call.

Pumunta rin si Ambassador El Fassi sa plenaryo ng Kamara matapos ang courtesy call.