Girlalu crayolang malala sa breakup
May 1, 2026
Calendar
Motoring
LTFRB pinalawig prangkisa ng mga tradisyonal na jeepney
Peoples Taliba Editor
Mar 6, 2023
650
Views
PINALAWIG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng mga tradisyonal na jeepney hanggang sa Disyembre 31, 2023.
Naglabas ng desisyon ang LTFRB na huwag ituloy ang deadline sa Hunyo 30 upang mabigyan ng dagdag na panahon ang mga jeepney operator na bumuo ng kooperatiba at palitan ang kanilang mga lumang sasakyan.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III maglalabas ang ahensya ng memorandum circular kaugnay nito.
Ginawa ng LTFRB ang hakbang sa gitna ng banta ng mga transport group na magsasagawa ng transport strike sa National Capital Region mula Marso 6 hanggang 12.
LTO nag-isyu ng SCO sa driver na nagpunit nig ticket
Apr 15, 2026
Gobyerno umalalay, nagbigay ng libreng sakay
Mar 19, 2026
DOTr pinabulaanan mga alegasyon
Mar 15, 2026

