Rubio

Customs Commissioner Rubio nanawagan sa publiko na huwag tangkilikin pekeng produkto

151 Views

NANAWAGAN si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa publiko na huwag tangkilikin ang mga pekeng produkto kasabay ng pagtiyak na paiigtingin ng kanyang ahensya ang kampanya laban sa mga ito.

Bukod sa hindi nagbabayad ng tamang buwis, sinabi ni Rubio na maaaring may dalang panganib ang mga pekeng produkto.

“These counterfeit products do not have the required documentation, and they endanger the safety of those who use them,” sabi ni Commissioner Rubio.

Kamakailan ay naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cagayan de Oro (CDO) ang isang container na naglalaman ng iba’t ibang pekeng produkto na nagkakahalaga ng P48.9 milyon sa Sub-Port of Mindanao Container Terminal, Tagoloan sa Misamis Oriental.

Nagpalabas si District Collector Alexandra Yap-Lumontad ng Pre-Lodgement Control Order (PLCO) laban sa shipment matapos makatanggap ng impormasyon na posibleng may paglabag ito sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines kaugnay ng Section 118 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).