Hosaka

Hiling na TRO laban sa SIM registration ibinasura ng SC

Hector Lawas Apr 25, 2023
118 Views

IBINASURA ng Korte Suprema ang hiling na temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng SIM registration.

Inanunsyo ni SC spokesperson Brian Keith Hosaka ang desisyon sa kaparehong araw kung kailan pinalawig ng gobyerno ng 90-araw ang deadline para magparehistro.

“The court during its en banc deliberations today denied the prayer to issue a TRO,” sabi ni Hosaka.

Pinagkokomento naman ng Korte ang gobyerno na magbigay ng kanilang komento kaugnay ng pagharap sa pagpapatupad ng SIM registration law sa loob ng 10 araw.