BBM-Sara

Mayor Inday mananatiling running mate ni BBM

494 Views

HINDI iiwanan ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang running mate na si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) nagpapasalamat ang kanilang partido sa suporta ng iba’t ibang grupo kay Duterte.

Pero hindi umano mangyayari ang gusto ng ilan sa mga ito na isama si Duterte sa ibang presidential candidate.

“We do not condone, however, efforts of certain groups to pair Mayor Inday Sara with other Presidential candidates. Lakas-CMD has entered into an alliance with the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) for the May 2022 elections, and we are committed to honor it,” sabi ng Lakas-CMD sa isang pahayag.

Si Marcos ang standard-bearer ng PFP at si Duterte naman ang chairperson ng Lakas-CMD.

Ayon sa Lakas-CMD susuportahan din nito ang mga kandidato sa pagkasenador ng BBM-Sara UniTeam.

Nanawagan din ang Lakas-CMD na suportahan ang panawagan ng BBM-Sara UniTeam na magkaisa para sa kapakanan ng mga Pilipino.