Calendar
Unang beses tumaya nanalo ng P41M sa lotto
Isang babae mula sa Pampanga na unang beses tumaya sa lotto ang nanalo ng P41.25 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa bola noong Hunyo 2.
Ang hindi pinangalanang nanalo ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 25-15-05-11-09-03.
Apat na beses umanong tinignan ng nanalo ang kanyang tiket bago nakumbinsi na siya ang nanalo ng jackpot.
Ayon sa nanalo siya ay naniniwala na ang pagkapanalo sa lotto ay itinadhana ng kapalaran at pinayagang mangyari ng Panginoon.
Pumunta ang nanalo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City noong Hunyo 8. Isinapubliko naman ito ng PCSO noong Hulyo 10.
Nagpasalamat ang nanalo sa suwerteng dumating sa kanya at gagamitin umano ito para pagbutihin ang kalagayan ng kanyang pamilya. Siya ay magtatayo umano ng negosyo.
Hindi inilalabas ng PCSO ang lahat ng detalye ng nanalo para sa seguridad nito.
Ang premyo sa lotto na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.