Caloocan

Malapitan binuksan na sa publiko Oktoberfest sa Caloocan

Edd Reyes Oct 14, 2026
18 Views

Caloocan1BINUKSAN na sa publiko ni Mayor Along Malapitan ang Oktoberfest 2026 sa C-Cube Complex, Caloocan City Hall – South bilang suporta sa mga lokal na negosyanteng naglalako ng kani-kanilang produkto.

Tatagal hanggang Nobyembre 6, 2026 ang araw-araw na Oktoberfest na magsisimula ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi kung saan tampok ang sari-saring pagkain, inumin at iba pang mga produkto, pati na rin tugtugan at kasiyahan mula sa mga banda at stand-up comedians na magsisiimula naman ng ala-6:00 ng gabi.

Malugod namang inaanyayahan ni Mayor Malapitan ang lahat na magtungo sa Oktoberfest na aniya ay layuning tulungan ang Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs) sa Caloocan, gayundin ang mga nagtapos sa Community-Assisted Rehabilitation and Research Outpatient Treatment and Training System (CARROTS) na binigyan ng,tulong pinansyal upang makapagsimula ng sarili nilang kabuhayan.

“Sa pamamagitan ng ating mga bazaar, tulad ng Oktoberfest, nabibigyan ang mga negosyante ng pagkakataon na maipakilala ang kanilang mga produkto,” pahayag ng alkalde.

Ang Oktoberfest ay inorganisa ng Caloocan City Economic and Investment Promotions Office (CEIPO) sa tulong ng Public Employment Service Department (PESD), Caloocan City Anti-Drug Abuse Office (CADAO), at Caloocan Persons with Disability Affairs Office (PDAO).