Martin1

Kumpiyansa ng ADB patunay na PH patungo sa middle-income status—Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Jul 22, 2023
173 Views

ANG kumpiyansang ibinigay ng Asian Development Bank sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay patunay umano na tama ang tinatahak na landas ng bansa upang maabot ang middle-income status sa 2025.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos ilabas ng ADB ang July update nito kung saan ang gross domestic product (GDP) ay inaasahang lalago ng 6.0 porsyento ngayong taon, ang pinakamataas sa pangunahing bansa sa Southeast Asian.

Para sa 2024, nakikita ng ADB na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6.2 porsyento.

Ngayong taon, inaasahan ng ADB na lalago ang ekonomiya ng Indonesia ng 4.8 porsyento, Malaysia ng 4.7 porsyento, Singapore ng 1.5 porsyento, Thailand ng 3.5 porsyento, at Vietnam ng 5.8 porsyento.

“This steadfast pace of recovery from the effects of the COVID-19 crisis across the region is a clear indicator that the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. has charted the right course and we are steadily sailing towards a brighter future for all Filipinos,” ani Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez ang projection ng ADB ay pasok sa 6.0 hanggang 7.0 porsyentong range na itinakda ng mga economic manager ng bansa ngayong taon at sa 6.5 hanggang 8.0 porsyento mula 2024 hanggang 2028.

Hindi rin umano ito nalalayo sa economic growth forecast ng International Monetary Fund (IMF) na 6 porsyento.

“With President Marcos’ steady hand at the helm and everyone pulling together, I am confident that we can reach our goal and overcome any rough waters that we may encounter on our journey,” sabi pa ni Romualdez.

Ang pag-angat ng ekonomiya ay iniugnay din ni Speaker Romualdez sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaisa para sa pag-angat ng ekonomiya.

“It is a testament to the resilience of our people, the ingenuity of our businesses, and the strong partnerships forged between the government and private sector,” punto pa ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez nananatili ang pagnanais ng Kamara na gumawa ng mga batas upang mag-enganyo ang mga negosyante na mamuhunan sa bansa, magtuloy-tuloy ang usad ng ekonomiya, at mapakinabangan ng lahat ng bahagi ng lipunan ang pag-unlad na ito.

“Likewise, in the exercise of our power of the purse, we will prioritize allocations to strengthen social safety nets and invest in crucial sectors that will fuel inclusive growth and development,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na titiyakin din ng Kamara na mayroong sapat na pondo ang mga programa upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, maipatayo ang mga kinakailangang imprastraktura, matiyak ang sapat na suplay ng enerhiya, mapadali ang pagnenegosyo sa bansa, mapaganda ang pagbibigay ng serbisyong medikal, at makalikha ng mapapasukang trabaho.

“We will await the President’s plans for the country’s direction next year in his State of the Nation Address (SONA) and we will waste no time in working with the Executive to put in place the necessary reforms to uplift the lives of our people,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Nauna rito, nangako si Romualdez na magiging mabilis ang aksyon ng Kamara sa mga panukala na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) na aprubahan bago matapos ang taon.

Naaprubahan na ng Kamara ang 33 sa 42 panukala na prayoridad na maisabatas ng administrasyong Marcos noong unang regular session ng 19th Congress.

“Let us redouble our efforts to build back better and to create a brighter future for every Filipino. Together, we can overcome challenges, seize opportunities, and emerge even stronger from the ravages of the pandemic,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.