Pangandaman

Fuel subsidy program magpapatuloy sa 2024

147 Views

MAY inilaang pondo ang gobyerno para sa implementasyon ng fuel subsidy program sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman ang fuel subsidy ay parasa sa sektor ng transportasyon at agrikultura.

Nagkakahalaga umano ng P2.5 bilyon ang fuel subsidy sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), kasing laki ng nakalaan ngayong taon.

Ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda na nasa ilalim ng Department of Agriculture ay nanatili umano sa P1 bilyon.