Calendar
Budget hearing focused sa mga programa, adhikain ng DOT
TINIYAK ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na hindi makakanti at malalagay sa alanganin si Tourism Sec. Marian Christina Garcia Frasco kaugnay sa nakatakdang pagharap nito sa budget deliberations ng kaniyang ahensiya.
Ito ang nabatid ng People’s Taliba kay Madrona na ise-sentro lamang nila sa mga programa at adhikain ng Department of Tourism (DOT) ang magiging deliberasyon ng Komite patungkol sa budget ng ahensiya para sa susunod na taon upang hindi mawala sa pokus ang nasabing budget hearing.
Sinabi ni Madrona na sisikapin nilang hindi magisa o malagay sa alanganin si Frasco sa oras na sumalang ang Kalihim sa budget deliberations ng Tourism Department.
Binigyang katuwiran din ni Madrona na ang kailangang pag-usapan sa budget hearing ng Department of Tourism (DOT) ay ang tinatawag na “future programs” ng ahensiya para sa taong 2024.