Calendar
Pagtuturo ng Filipino sa Harvard nakaka-proud
NAKAKA-PROUD na ituturo na ang Filipino language sa Harvard University at dapat itong ipagmalaki ng mga Pilipino.
Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang hakbang na ito ay magtataguyod at magpapanatili sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
“I firmly believe in promoting and preserving our Filipino identity, and this step by Harvard is a testament to that effort,” ani Speaker Romualdez.
“Let’s embrace this moment of pride and unity for our country and our language,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang mahalagang narating ng bansa—ang pagkakaroon ng kursong Filipino language sa Harvard, ani Speaker Romualdez.
“This is a remarkable acknowledgment of our culture and heritage on a global platform,” sabi pa ng lider ng Kamara.
Gaya ng sinabi ni Mr. Jose Marco C. “Marcky” Antonio II ’25, co-president ng Harvard Undergraduate Philippine Forum, ang atensyon dapat ay nakatuon sa pagdiriwang sa narating na pambihirang tagumpay na ito. (l
Sinabi rin ni Speaker Romualdez na kinikilala nito ang polisiya ng Harvard kaugnay ng pagbibigay ng donasyon sa paaralan.
“In light of recent speculations regarding my alleged donation to Harvard University, I choose to respect the institution’s gift policy,” sabi ni Speaker Romualdez.
“Harvard has already communicated that they ‘do not discuss the terms or specifics of individual gifts,’ and I stand by that principle,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.