Martin

Speaker Romualdez pinasalamatan mga Pilipino

Mar Rodriguez Sep 28, 2023
184 Views

Matapos muling makakuha ng mataas na rating sa pinakahuling OCTA survey

PINASALAMATAN ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala kasunod ng mataas na trust at approval rating na kaniyang nakuha sa pinakahuling OCTA Research survey.

Batay sa ‘Tugon ng Masa” poll ng OCTA na isinagawa mula Huly0 22 hanggang 26, napanatili ni Speaker Romualdez ang mataas na approval at trust rating na nasa 55 percent at 54 percent.

Ang naturang numero ay nagpapakita ng tiwala ay kumpiyansa ng mga Pilipino sa liderato ng Kamara de Representantes at sa legislative agenda na itinutulak ng 19th Congress.

“I am deeply grateful to the Filipino people for their unwavering support and the privilege to serve as Speaker of the House of Representatives. I am committed to working hard to make a positive impact on the lives of our kababayans,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng 311-miyembro ng Kamara de Representantes.

Dagdag pa nito: “The 19th Congress will continue to prioritize legislation that promotes economic growth, strengthens our healthcare system, and addresses the pressing concerns of our citizens.

We will work together to build a more resilient and prosperous Philippines.” Sabi pa ni Speaker Romualdez, na dahil sa nakuhang suporta ay buong pagpapakumababa niyang tutuparin ang kaniyang mandato na may dedikasyon at integridad.

Batid ni Speaker Romualdez na ang naturang ratings ay sakabila ng mga hamong kasalukuyang hinaharap ng bansa kaya’t lalo aniya siyang magpupursigi na makipagtulungan sa iba pang miyembro ng Kamara de Representatntes upang tugunan ang mga isyung ito para sa mas maayos na kinabukasan ng mga Pilipino.

Sinabi pa ng pinuno ng Kamara na inaasahan niyang makipagtulungan sa kanyang mga kasamahan, stakeholders, at administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. upang makamit ang mga mithiing ito at matiyak na ang interes at kapakanan ng mga mamamayang Pilipino ay nananatili sa prayoridad ng lehislatura.

Ang Tugon ng Masa ay isang non-commissioned survey na gumamit ng harapang panayam sa 1,200 adult respondent mula sa iba’t ibang panig ng bansa.