Ports of entry bantay sarado ng BOC
Apr 22, 2026
Calendar
Nation
Mayor Sara namamayagpag sa VP race — OCTA survey
Ryan Ponce Pacpaco
Feb 28, 2022
985
Views
NAMAMAYAGPAG si Davao City Mayor Sara Duterte sa vice presidential race, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.
Nakakuha si Duterte ng 43% sa survey na isinagawa mula Pebrero 12-17.
Si Duterte ay nakakuha ng 40% sa National Capital Region, 24% sa iba pang bahagi ng Luzon, 43% sa Visayas at 82% sa Mindanao.
Sampung porsyento ang lamang ni Duterte sa pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto III na nakakuha ng 33%.
Sumunod naman sina Sen. Kiko Pangilinan na may 10%, Dr. Willie Ong na nakakuha ng 7% at isang porsyento naman si House Deputy Speaker Lito Atienza.
Ang nalalabing boto ay pinaghahatian ng iba pang kandidato, mga wala pang napipisil na iboboto at ayaw sabihin kung sino ang iboboto.

