Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Calendar
Larawan mula sa IG/@iamrobidomingo
Showbiz
Robi bumilib sa pag-arte ni Kim Chiu
Peoples Taliba Editor
Oct 25, 2023
614
Views
CERTIFIED fan ang TV host na si Robi Domingo matapos niyang panoorin ang bagong labas na serye na “Linlang.”
Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Robi ang isang video kung saan makikita siyang nanonood ng nasabing serye.
Napabilib naman ang TV host sa pagganap bilang Juliana Lualhati ng aktres na si Kim Chiu.
Naka-tag pa nga ang Chinita Princess sa nasabing IG story.
“Ang galing mo dito! Hanep!” sey ni Robi sa aktres.
Samantala, kamakailan lamang ay trending sa streaming platform na PrimeVideoPH ang ‘Linlang’ matapos ipalabas ang mga unang episodes nito.
Pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang nasabing serye kasama sina JM de Guzman, Anji Salvacion, at Maricel Soriano.
Miss Earth Indonesia 2025 pumanaw sa edad 25
Aug 16, 2026

