MMDA

Number coding suspendido ng 3 araw

388 Views

SUSPENDIDO ang implementasyon ng number coding ng tatlong araw sa susunod na linggo.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) walang number coding sa mga araw na idineklarang special non-working days:

Oktubre 30 (Lunes) – Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Nobyembre 1 (Miyerkules) – Araw ng mga Santo

Nobyembre 2 (Huwebes) – Araw ng mga Kaluluwa

Nagpaalala rin ang MMDA sa mga motorista na planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.

“Hangad ng MMDA na maging ligtas ang inyong mahabang bakasyon,” sabi ng MMDA.