MRT3

Mga pasaherong wala pang 18-taong gulang libre sa MRT-3

164 Views

MAKAKASAKAY ng libre sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ang mga pasahero na wala pang 18-taong gulang sa Nobyembre 6.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang libreng sakay ay bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month.

Makakasakay nang libre sa peak hours ng linya mula 7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi ang mga batang mababa ang edad sa 18.

Kinakailangan lamang magpakita ng valid school ID sa mga security personnel sa istasyon upang makatanggap ng libreng sakay.

“Nakikiisa po ang buong linya ng MRT-3 sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre. Nawa po sa aming LIBRENG SAKAY ay maipadama namin sa ating mga kabataan ang aming paghanga at pagpapahalaga sa kanilang galing at husay, na siyang magiging pundasyon ng ating maunlad na bayan,” saad ni Department of Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.