ray1parks Larawan mula sa IG/@ray1parks

Ray Parks asawa na turing kay Zeinab: ‘Best mother to our kids’

138 Views

KILIG overload ang hatid ng Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. matapos nitong batiin ang internet personality na si Zeinab Harake para sa kaarawan nito.

Sa Instagram page ng basketbolista, ibinahagi niya ang larawan ni Zeinab kung saan nakahiga at nakayakap sa pagitan ng kanyang mga hita.

Kalakip ng nasabing larawan ang birthday greeting ni Ray Parks para sa ika-25 kaarawan ng YouTuber.

“Happy birthday, Bel!” sey ng basketbolista.

Nagbigay mensahe rin siya sa pagiging ina ni Zeinab sa mga anak nito.

“I want to commend you for the being the best mother to our kids, for being such a brave and strong leader, and also for your genuine heart,” pahayag ni Ray Parks.

“I am so proud of you and your growth. May we continue to build our future that is founded upon God’s word and love. May God grant you your heart’s desires. I pray for great health and God’s favor. I love you,” dagdag pa niya.

Tila na-touch naman ang internet personality sa mensahe sa kanya ng kanyang nobyo.

“Mahal na mahal po kita,” wika ni Zeinab sa comment section.

Inulan naman ng pagbati at reaksyon mula sa netizens ang nasabing post ni Ray Parks.

“‘Our kids’ awwww,my heart!! The sweetest! Happy Birthday again, Queen Z!”

“Happy Birthday to your Queen my brother!”

“Happy Birthday, sa nag iisang Queen.”