Calendar
Vice Gov. Leviste bilib kay Mayor Inday
SUPORTADO ni Batangas Vice Governor Jose Antonio “Mark” Leviste II ang vice presidential bid ni Mayor Sara Duterte na kinabiliban nito sa ginawang pamamahala Davao City.
Ayon kay Leviste, si Duterte ay magandang halo ng ‘tapang na loob’ at ‘tunay na puso.’
“Mayor Sara has a strong-willed personality. I think it’s important for our leaders especially at the national level to have a political will and compassion at the same time,” sabi ni Leviste.
Sinabi ng vice governor na katangi-tangi ang ginawang pamamahala ni Duterte sa Davao City na hindi kailangang umutang para maipatupad ang mga programa nito sa kapakinabangan ng taumbayan.
“The mere fact that she was able to manage a zero debt fiscal standing in a dynamic city like Davao means a lot. And I hope when she becomes Vice President, she will be able to do the same for the country,” dagdag pa ni Leviste.
Hinimok ni Leviste ang mga Batangueño na iboto si Duterte.
“Lilipad na ang Agila! Suportahan po natin siya [Duterte],” dagdag pa ng bise gubernador.
Nangampanya si Duterte sa Batangas ngayong araw ng Huwebes.