Marianito Augustin

Ang pagbaba ng poverty incidence sa bansa ay bunga ng pagsisikap ni PBBM

124 Views

SA KABILA ng mga pangbabatikos kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. hindi parin maikakaila at maisa-sangtabi ang katotohanan na kumikilos at nagta-trabaho ang ating Pangulo para mapaganda ang pamumuhay ng bawat Pilipino kagaya ng kaniyang ipinangako noong nakalipas na eleksiyon.

Dahil dito, pinapurihan ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang ating Pangulo dahil sa pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o bumaba yung “poverty incidence” ng bansa.

Para kay Valeriano, ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong unemployed ay isang malinaw na indikasyon na nagbubunga na ang mga pagsisikap at pagpupunyagi ng Marcos, Jr. administration para umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino at pagsasa-ayos ng ating ekonomiya.

Kabisadong-kabisado ni Valeriano ang tinatawag na de-kalidad na paglilingkod gaya ng ipinapamalas ng Pangulong Marcos, Jr. dahil siya mismo bilang kongresista ng Maynila ay naghahatid ng de-kalidad na paglilingkod sa kaniyang mga kababayan. Marami din ang napagkalooban niya ng tulong.

Huwag na tayong lumayo sapagkat diyan na lamang sa Distrito ni Congressman Valeriano ay napakarami sa kaniyang mga kababayan ang kaniyang natutulungan at nabibigyan ng kabuhayan.

Marami din mga walang trabaho ang natutulungan niya para mayroon silang mapasukang trabaho.

Kaya hindi na tayo magtataka kung bakit bumaba ang “poverty incidence” sa Pilipinas. 1: Dahil sa malasakit ng Pangulo, 2: ang pagkakaroon siya ng mahuhusay na economic managers at 3: Dahil may mga government officials na malaki ang malasakit ang taos pusong naglilingkod sa taong bayan gaya ni Congressman Valeriano.
Cong. Robert Ace Barbers, optimistiko na maraming trabaho ang magbubukas kapag natuloy ang Cha-cha

OPTIMISTIKO si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers na mas dadami ang mapapasukang trabaho ng mga Pilipinong “unemployed” sa bansa sakaling matuloy ang pagsusulong sa pag-aamiyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Charter-Change (Cha-Cha).

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na ang paglalagak ng puhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit inaasahan na maraming trabaho ang mapapasukan ng mga Pilipinong unemployed o walang trabaho.

Ipinaliwanag ng kongresista na kumpiyansa siya na mas dadami ang bilang ng mga Pilipinong may makukuha o kaya ay mayroong mapapasukang trabaho sa bansa sa oras na magtagumpay ang isinusulong na Cha-Cha o pag-aamiyenda sa ilang probisyon ng 1987 Philippine Constitution.

Ayon kay Barbers, sa ilalim ng Konstitusyon. Napipigilan ang pagpasok ng mga “foreign capital” sa bansa dahil may probisyon sa Saligang Batas na naglilimita sa mga negosyo patungkol sa kanilang maaaring maging pagma-may-ari. Kung saan, ang nasabing probisyon ay hindi maaaring amiyendahan.

Binigyang diin pa ni Barbers na ang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o ang pagbaba ng poverty incidence sa bansa ay resulta ng maayos na polisiya at program ana ipinatutupad ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kabilang na ang kaniyang economic managers.

Idinagdag pa ni Barbers na ang pagbaba ng “poverty incidence” ay nagpapakita lamang kung gaano ka-sinsero ang Pangulong Marcos, Jr. kabilang na ang kaniyang economic team para maibsan ang matinding kahirapan sa bansa dahil sa pagsisikap nilang mailatag ang mga economic policy ng pamahalaan.