Puregold Cinepanalo PHOTO CAPTION: Nakipagtambal ang Puregold CinePanalo sa MOWELFUND Inc. sa layuning suportahan ang lokal na industriya ng pelikula, mga direktor, at iba pang mga nagtatrabaho sa larangan. (L-R first row Joey Roa, MOWELFUND Vice President and COO Julius Topacio, MOWELFUND Film Institute Director Manrique D. Orellana, Jr., second row Res Cortez, Maria Elisa “Boots” Anson Roa-Rodrigo, Puregold CinePanalo Film Festival Director Chris Cahilig, and Jim Baltazar of CIMB Films)

Puregold CinePanalo Film Festival, nakipagtambal sa MOWELFUND para sa Kwentong Panalo

Eugene Asis Mar 9, 2024
150 Views

INANUNSYO ng Puregold CinePanalo Film Festival ang pakikipagtambal nito sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND). Layunin ng kolaborasyong ito na ibida ang industriya ng pelikula sa Pilipinas, partikular na ang mga bagong filmmaker, at ang mga kwentong itinatampok ang buhay at kultura sa Pilipinas.

Itinatag noong 1974, ang MOWELFUND ay isang non-stock at non-profit na organisasyon na nakapokus sa sosyal na kapakanan, edukasyon, at pag-unlad ng industriya ng pelikula, at misyon nitong suportahan ang mga nagsusumikap na propesyonal sa mundo ng pelikulang Pilipino.

Ibinahagi ni Boots Anson Roa-Rodrigo, Chairman ng MOWELFUND, ang kaniyang pasasalamat. “Salamat, Puregold, para sa CinePanalo. Dahil sa inisyatibong ito, nagbibigay ng tulong ang Puregold sa mga direktor at sa mga gumagawa ng pelikula, sa pagtampok ng mga pelikulang nagpapakita ng mga temang pampamilya na sumisimbolo sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.” (“Thank you, Puregold, for CinePanalo. [Through this initiative], Puregold offers assistance to filmmakers [in featuring] films that delve into wholesome family themes that define everyday Filipino slice of life.”)

“Win-win” ang tambalang ito, ayon sa premyadong personalidad sa pelikula at telebisyon. “Panalo ang Puregold sa pagkintal ng mga halagahang Pilipino sa pamamagitan ng makapangyarihang midyum ng pelikula. Panalo ang MOWELFUND sa pag-aayos ng mga logistik para sa mga baguhang direktor. Panalo ang mga estudyante ng pelikula at mga nagmamahal sa larangang ito, dahil binibigyang-buhay ng CinePanalo ang kanilang mga pangarap na proyekto.” (“Panalo ang Puregold for instilling family values through the potent medium of film. Panalo ang MOWELFUND Film Institute for offering logistics to young and enterprising filmmakers. Panalo ang aspiring film students and enthusiasts [because] CinePanalo helps them bring to life their dream projects through the magic of film.”)

Kamakailang inanunsyo ng Puregold CinePanalo Film Festival ang pinal na listahan ng makatatanggap ng prestihiyosong film grant nito–anim na direktor para sa full-length film, at 25 na estudyanteng direktor para sa short film–na masinsinang pinili sa 200 na lahok mula sa iba-ibang sulok ng Pilipinas. Ipalalabas sa engrandeng debut ang mga pelikula sa Gateway Cineplex 18, Araneta City, mula Marso 15 hanggang 17.

Bakas sa mga napiling pelikula para sa festival ang temang “Mga Kwentong Panalo ng Buhay,” sa mga naratibo ng pagsusumikap, pakikisama, at ang matibay na diwa ng pagiging Pilipino.

Nagpasalamat din ang MOWELFUND sa suporta ng Puregold sa kanilang ika-50 anibersaryo, kung saan magdaraos ang organisasyon ng medical and dental misyon. Nagbigay ang Puregold ng mga grocery gift bags para sa mga miyembro ng komunidad ng pelikula.

Ngayong papalapit na ang Puregold CinePanalo Film Festival, ani Puregold senior marketing manager Ivy Hayagan-Piedad, “Mula sa kaibuturan ng aming puso, pinasasalamatan namin ang MOWELFUND at ang lahat ng katrabaho namin sa kanilang mahalagang gampanin hindi lamang sa pagtatanghal ng mga nakatutuwang kwentong Pilipino, kung hindi pati na rin sa pagpapatatag ng aming kontribusyon sa yumayabong na industriya ng pelikulang Pilipino.” (“With heartfelt appreciation, we recognize MOWELFUND and all our partners for their integral role in not just showcasing these inspiring Filipino narratives but also in fortifying our collective contribution to the flourishing Philippine movie industry.”)

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa TikTok.