PRC

Nanguna sa Geodetic Engineer Licensure exam nagtapos sa NORSU

273 Views

ISANG nagtapos sa Negros Oriental State University (NORSU) sa Dumaguete City ang nanguna sa March 2022 Geodetic Engineer Licensure examinations.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) si Hannah Mae Ponce Gomez ay nakakuha ng 90.20% rating.

Sa 51 kumuha ng eksaminasyon, sinabi ng PRC na 21 ang pumasa.

Ginawa ang pagsusulit sa Cebu noong nakaraang linggo.