Calendar
Magsino nakatutok din sa mga mahihirap na estudyante


๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ง๐ ๐ป๐ถ ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ “๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ” ๐ฃ. ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐ (๐ข๐๐ช๐) ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐ผ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ธ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ฒ๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น.
Pinangunahan ni Magsino ang pamamahagi ng scholarship assistance para sa sampung estudyante mula sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad.
Ipinaliwanag ni Magsino na bukod sa mga OFWs, ang isa rin sa kaniyang mga adbokasiya ay ang matulungan ang libo-libong mag-aaral na walang kakayahang makapag-aral dala ng matinding kahirapan.
Ayon kay Magsino, nakahanda ang OFW Party List na umagapay sa mga estudyante sa kolehiyo at unibersidad sa National Capital Region (NCR) para maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral sa harap ng kanilang kahirapan.
Sabi pa ng mambabatas na ang pamimigay nila ng scholarship assistance para sa mga mahihirap na estudyante ay nakapaloob sa programa ng OFW Party List katuwang ang Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART).
Dagdag pa ni Magsino na layunin ng kanilang programa na mabigyan o makatanggap ang bawat mag-aaral ng nasa tinatayang P25,000 bilang pangdagdag at pangtustos sa kanilang pag-aaral.
Tiniyak din ni Magasino na magtutuloy-tuloy ang nasabing programa ng OFW Party List upang marami pang estudyante ang kanilang matulungan.

