BBM-Sara Ang UniTeam na pinapangunahan ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (3rd right) at kanyang running mate na si Lakas-CMD vice presidential bet, Davao City Mayor Sara Duterte (2nd right) kasama ang kanilang senatorial slate (from left) Migz Zubiri, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada at Harry Roque sa kanilang campaign rally na hosted ni Gov. Aurelio Oyie Umali, Rep. Cherry Umali at Vice Gov. Doc Anthony Umali sa Bgy. Soledad, Sta Rosa, Nueva Ecija. Kuha ni VER NOVENO

BBM-Sara mainit na sinalubong sa Nueva Ecija

332 Views

Naging mainit ang pagsalubong ng Nueva Ecija kina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte.

Pinangunahan ni reelectionist Gov. Aurelio Umali ang mga opisyal ng probinsya sa pagsalubong sa UniTeam nina Marcos at Duterte noong Martes.

Sa kanyang talumpati kinilala ni Duterte ang malaking kontribusyon ng Nueva Ecija sa pag-unlad ng bansa. Sa probinsya nanggagaling ang malaking bahagi ng suplay ng bigas.

Ipinabatid din ni Duterte ang mensahe ng UniTeam na pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahal sa bansa.

Kasama nina Marcos at Duterte sa pagpunta sa lugar ang mga senatorial candidate na sina Loren Legarda, Larry Gadon, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada, Migz Zubiri, at Harry Roque.

Sa pagtanggap sa UniTeam, si Umali ay sinamahan ng kanyang misis na si dating Gov. Cherry Umali na tumatakbo sa pagkakongresista, reelectionist Vice Gov. Emmanuel Antonio “Doc Anthony” Umali, at iba pang lokal na opisyal.

Isang pananghalian din ang inihanda ni Gov. Umali sa UniTeam.