PCSO

Mananaya sa NegOcc nanalo ng P98.5M Grand Lotto jackpot

Arlene Rivera Mar 16, 2022
161 Views

ISANG mananaya sa La Carlota City, Negros Occidental ang nanalo ng P98.5 milyong jackpot price ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Marso 14.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 09 – 17 – 45 – 39 – 35 – 15.
Nanalo naman ng tig-P100,000 ang siyam na mananaya na nakalimang numero.
Tig-P1,500 naman ang 668 mananaya na nakaapat na numero at tig-P60 naman ang 15,489 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20% buwis.