Calendar
3 miyembro ng Gabinete ni DU30 ‘sabit’?
TATLO pang miyembro ng Gabinete ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y sabit sa anomalya.
Ibinunyag ni Pagcor Chair Alejandro Tengco sa Senate hearing, kamakailan na ang isa ay lumapit sa kanya para ipakiusap ang isang POGO site para maayos ang problema nito.
Isang dating adviser naman ay ipinaaaresto na ng Kongreso matapos dedmahin ang hearing ng Kongreso sa dangerous drugs na sinasabing involvement nito sa drug bust sa Pampanga noong nakaraang taon.
Ayon kay House Chairman on Dangerous Drugs Rep. Robert Barbers, dapat dakpin at dalhin sa Kongreso ang nassabing adviser para sagutin ang mga paratang laban sa kanya.
Isa pang miyembro ng Gabinete ng dating administrasyob naman ay sinampahan na ng kasong graft ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa umano’y overpriced na medical supply noong kasagsagan ng COVID pandemic.
Wala pang reaksyon ang tatlong mga dating opisyal hinggil sa mga paratang laban sa kanila.
Maging ang dating Pangulong Rodrigong Duterte ay sinasabing nakatakdang umanong dakpin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa war on drugs nito.