Oath Pinanumpa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Representative Joel Chua ng Manila’s 3rd District sa simpleng seremonyta sa Speaker’s Office sa House of Representatives Lunes ng hapon. Nagsilbing testigo sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Agusan Del Norte 1st District Rep. Jose. “Joboy” Aquino at Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez. Kuha ni Ver Noveno

2 pang kongresista sumama sa Lakas-CMD

Mar Rodriguez Jul 29, 2024
75 Views

DALAWA pang miyembro ng Kamara de Representantes ang sumali sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking partido sa Kongreso.

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panunumpa nina Representatives Joel Chua ng ikatlong distrito ng Maynila, at Ed Christopher Go ng ikalawang distrito ng Isabela.

Sa pagpasok ng dalawa ay umakyat na sa 102 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara.

Si Mrs. Soledad Go, ang misis ni Baguio City Rep. Mark Go ay nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ikinalulugod nito ang pagpasok ng mga bagong miyembro.

“They share our principles and our aspirations for a better life for our people and a more progressive Philippines,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong 307 miyembro.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pagdami ng mga miyembro ng Kamara ay nangangahulugan ng paglawak ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Marami ring mga opisyal mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan ang sumasali sa Lakas-CMD.

Nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD sina Mexico, Pampanga Mayor Redencio Gonzales,  Vice Mayor Jonathan Pangan, at Councilor Ma. Angela Pangan.