Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Tulfo

Tulfo isinusulong tuluyang pagsuspinde sa PUV Modernization Program

125 Views

SINABI ni Sen. Raffy Tulfo na magsusumite siya ng Senate Resolution para tuluyang masuspinde ang PUV Modernization Program dahil nakita niya ang sangkatutak na kapalpakan sa programa.

Sa pakikipagusap niya sa iba’t ibang miymebro ng transport groups, lumitaw na “ang PUV modernization program hindi pinagisipan, hindi pinag-aralan, hindi pinagplanuhan at minadali.”

“Ang resulta, marami ang mga maliliit nating kababayan ang nadedehado, partikular na ang mga tsuper ng jeepney,” dagdag ng senador.

Nakita rin niya na nababalot ito ng korapsyon. Sinegundahan nila Majority Floor Leader Francis Tolentino at Senator JV Ejercito ang suggestion ni Sen. Tulfo.

Una nang nagmungkahi si Senate President Francis Escudero tungkol sa pagsuspinde sa PUV Modernization Program dahil sa samut-saring problema.

Laking tuwa naman ng mga jeepney operators and drivers sa naging magandang resulta ng Senate hearing.