Olympians2 Ang mga Pinoy na atleta na sumabak sa 2024 Paris Olympics ay masayang dumating sa Malakanyang at sumama sa litrato kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at buonng First Family.

Pinoy Olympians binusog sa napakasarap ng hapunan ng Malakanyang

Chona Yu Aug 13, 2024
110 Views

OlympiansOlympians1Olympians3PINAKAMASARAP na pagkain ang inihanda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay two-time gold medalist Carlos Yulo at sa iba pang atleta na sumabak 2024 Paris Olympic.

Base sa menu, ang inihanda sa mga atleta ay soup, salmon belly sinigang flavored with kamias at may roast U.S. angus rib-eye with mechado sauce served with sweet potato mashed and sautéed French beans.

Dessert ng mga atleta ang flourless chocolate decadence cake at pistachio macaron.

Dalandan juice, kape at tsaa naman ang naging pamatid uhaw ng mga atleta.