Rep Romeo Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop

Mambabatas ng Antipolo binuweltahan mga paratang ni Bato

Mar Rodriguez Aug 19, 2024
67 Views

BINUWELTAHAN ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa sinabi nitong ang mga miyembro ng Kamara ay walang prinsipyo at mga oportunista kaugnay ng kanilang pagtuligsa sa madugong war on drugs ng dating administrasyong Duterte.

“If anyone is the real opportunist, it’s Sen. Dela Rosa, who used his ties with the former president to rise from PNP chief to senator, leading a bloody drug war that targeted the powerless while shielding the powerful,” ani Acop.

“Prioritize the country’s interests and the general welfare of the people,” pahayag ni Acop.

Sinabi ni Acop na ang isinusulong ng imbestigasyon ng Kamara ay ang pagsulong ng hustisya at pagkakaroon ng transparency.

“I ran and won as a congressman on my own merit, not by clinging to anyone’s coattails. My job is to uncover the truth and ensure accountability, no matter who is implicated,” sabi ni Acop.

Si Acop ay nagsisilbing vice chair ng lahat ng apat na komite o quad committee ng Kamara na nagiimbestiga sa koneksyon ng iligal na operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO), iligal na droga at extrajudicial killings na iniuugnay sa kontrobersyal na drug war ni Duterte.

Pinuna rin ni Acop, na siyang tagapangulo ng House committee on transportation, ang kabiguan umano ni Dela Rosa na ilabas ang mga kritikal na impormasyon sa ginawang imbestigasyon ng Senado ukol sa shipment ng imported na droga sa bansa.

“Despite his position, he ignored the involvement of individuals,” dagdag ni Acop.

Nilinaw ni Acop na ang imbestigasyon ng House quad committee ay walang halong pulitika at para lamang sa pagkamit ng hustisya.

“We are simply doing our duty. There’s no need to fear the quad committee unless there’s something to hide,” ani Acop.

Hamon pa niya kay Dela Rosa na pangalanan ang mga tinutukoy niyang personalidad sa kaniyang akusasyon.

“We are here to serve the Filipino people, not to act as pawns in anyone’s political game. Our focus is on the truth, and we will not be deterred by threats or accusations,” diin ni Acop.

Desidido naman si Acop na malabas ang katotohanan sa mga susunod pang pagdinig ng quad committe