Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Chona Malacanang Press Corps president at Journal Group of Publications reporter Chona Yu

Reporter ng Journal Group Chona Yu nahalal muling pangulo ng Malacañang Press Corps

553 Views

SA ikalawang pagkakataon, nahalal na pangulo ng Malacañang Press Corps (MPC) ang reporter ng People’s Journal at Journal Group of Publications news platforms na si Chona Yu.

Magsisilbi si Yu bilang MPC president sa 2024 hanggang Agosto ng 2025.

Noong 2022 ay nahalal na si Yu sa naturang puwesto.

Nahalal naman bilang mga vice president sina Ivan Mayrina (GMA 7) para sa television, Leth Narciso (DZRH) para sa radyo, Anna Bajo (GMA News Online) para sa online at Jocelyn Montemayor (Malaya) para sa print.

Nahalal naman si Catherine Valente (Manila Times) bilang secretary at Evelyn Quiroz (Pilipino Mirror) bilang treasurer.

Nahalal din si Helen Flores (Philippine Star) bilang auditor habang si Maricel Halili (TV 5) at Allan Francisco (PTV 4) ay nahalal na sergeant at arms.

Binubuo ang MPC ng mga mamamahayag na nagco-cover sa Pangulo ng bansa at iba pang aktibidad sa Palasyo ng Malakanyang.